Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros

Isang salita: nakakaloka.

Kung hindi naman pag-ibig na buo (at hindi puno ng mga mahihinang babae’t tangang lalaki), isang luha ng kahirapan at kabihasnan ang madalas na maganda sa pelikula ng sining Pilipino.

May pag-ibig siya, may kahirapan, may kabihasnan. May ka-ukrayan din- at sulit sa bawat sandali. Mahilig ako sa mga pelikulang buo, yung tipong naghahalo yung mga damdamin habang nanonod ako at may maiiwang malaking tanong sa isip ko. Sa lahat ng napanood kong Pilipinong pelikulang indie, ang pag-ibig ni Maxi ang ‘di ko malugar sa sarili ko. Nakakalito-at dun ko siya nagugustuhan.

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (The Blossoming of Maximo Oliveros) ni Aureus Solito ay umiikot sa kwento ng pagmamahal ni Maxi (Nathan Lopez) kay Victor (JR Valentin), isang binatang pulis na naghahanap ng pwesto sa mundo ng hustisya. Habang buong tinatanggap ng pamilya niyang mga magnanakaw ang kabaklaan ni Maxi sa murang edad na dose anyos, ‘di nila matanggap si Victor. Siguro dahil sa laki ng agwat nila (hindi nasabi edad niya, pero mukha siyang 20-anyos na gulang), o dahil pulis siya at magnanakaw sila. Hindi ko maintindihan-hindi.

Ibalik ko ulit mga salita ko.

Naiintindihan ko, pero ayoko sabihin kung bakit kasi mabibigay ko na lahat sa inyo.

Hindi ko din maintindihan ang mga nararamdaman ko habanag nakaupo lang sa sala nanonood ng halikan ng isang bata at isang nabugbog na binata. Mahal ni Maxi si Victor, pero ayaw ng pamilya niya. Tapos may patayan. May realidad. May dahilan kung bakit mapapatingin ka sa bintana at maawa na lang sa agwat ng pulis at masa.

May dahilan kung nakit namumulat ang mga mata ng baklang bata.

Image result for The Blossoming of Maximo Oliveros
si Maxi (kaliwa) at si Victor (kanan)

Hindi siya tulad ng karaniwang pelikula na may mayamang sosyal na pampadagdag lang sa script. Nakakatuwa siya. Nakakaiyak. Sa isang minuto, pagdedepensahan ko si Maxi kasi halatang may nararamdaman siya at ‘di biro magmahal ang batang bakla-kahit anong sabihin ng mundo. Bihira lang ang magmahal ng tunay sa isang bakla sa lipunan ng bansang ‘to kaya ba’t inaagaw niyo karapatan niya kahit tanggap niyo siya?

Basehan ba ang edad sa pag-ibig? Sa pelikulang ‘to, oo na hindi. Oo kasi alam ni Maxi kung sino siya. Kaso, masyadong malayo ang sikolohiyal na agwat ng 12-anyos na bata sa 20-anyos na binata.

Hindi tama eh. Kahit anong bandang tignan, mali. Pero yun yung nagustuhan ko dito. Nabubulag ako sa mali. Nabubulag ako sa realidad nila dahil sa pagmamahal. Ang husay ni Solito. Sobra.

Masasabi ko bang bakla si Victor? Siguro, o baka nadala lang ng damdamin kasi inalagaan siya ni Maxi nung nabugbog siya- tulad ng pagbugbog nitong pelikula na ‘to sa damdamin ko.

Pasensya.

Kung magsasalita pa ako dito, mabibigay ko na yung buong pelikula. No spoilers! May dahilan kung bakit marami na ‘tong napalanunan at nauwing karangalan sa New York, Toronto, Spain at Berlin. Kaso napapaisip ako kung magkakaroon ulit ito ng halaga sa pwesto ng karangalan kung babae talaga si Maxi.

Napalaki ng elemento ng kabaklaan ni Maxi, napansin ko lang. nahahanap ko sarili kong tumatawa sa kanya habang nagsasalita. Pero kung hindi naging bakla si Maxi, magugustuhan ko pa ba siya bilang karakter? Napapatanong na lang ako.

Image result for The Blossoming of Maximo Oliveros
si Maxi sa gitna (galing sa musical). hindi lahat ng bakla nagkokolorete.

Dahil bagong konsepto pa rin ang kabaklaan sa Katolikong lipunan ng Pilipinas, mahirap magsulat ng baklang karakter na magiging malakas bilang tao. Isag taong buo ang karanasan at ang mga paniniwala na hindi nagkakasya sa karaniwang stereotype. Kadalasan, katuwaan lang ang lalaking nag kokoloreteng naka costume habang nagpepeg ng Miss Universe. Minsan pinaghahalo na ang depinisyon ng bading sa transvestite. Sa transgenderism. Malawak ang konsepto ng sekwalidad pero nagiging makitid dahil hindi pa tanggap ng lubos ang pagmamahal ng dalawang lalaki sa Pilipinong kultura. Ito ang masakit na realidad.

Magugustuhan ko pa ba din ang pelikula kung iba ang ugali ni Maxi? Magbabago ba ang agos ng Pilipinong sining at titibay ba ‘to bilang buong kultura ng Pilipinas? Hindi ko alam. Maraming Maxi diyan na hindi kailangan ng kolorete para ipakita katauhan nila. Sana maintindihan yun ng industriya.

Siguro kailangan kong panoorin ulit. Sulit, sobra.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s